LORD! Namiss ko 'to! Ngayon lang ako uli nakapag-update dito sa blog kong dedicated para sayo. Pero di ko naman po talaga kailangan ng blog para makipag-usap sainyo diba? Oh well. Wala lang. Napadaan lang naman. :D
hamtadoraemon . 6:51 PM
...................
(0) comments
+YezZz CmOon+Dear Lord,Grabe Lord, ang saya ng gimmick namin kahapon. Thank you for not leaving our side. Greenhills panaman yun. Oha! Di lang greenhills, Galle pa. Hehe.. Andaming firsts na nangyari kahapon. Ayos. Sana maulit muli. :)
Amen.
hamtadoraemon . 1:04 PM
...................
(2) comments
+Lokong mga Tito.+Dear Lord, Nakuuuu.. Mga loko talaga mga tito ko. May bago nanaman silang pakulo. Nung isang araw kasi, ginigising nila ko. Eh kasi paborito nilang sabihin pag ginigising nila ko
"Sige, babasahin namin inbox mo". Eh ako, wala lang. Di naman ako affected kasi wala naman akong tinatago sa cellphone ko. Hehe..
Tapos sabi nung isa kong tito.
"Nakuuuuuu.. Messages lang naman ng boyfriend niya makkikita mo diyan eh. Ano nga ba uli pangalan nun? Carlo?.. Oo.. Yung unano mong boyfriend. Diba hanggang tuhod mo lang yun?" Hirit naman nung isa,
" Ano uli apelyido nun? Lakitao ba?" Ang kulit talaga Lord. Tas sabi nung isa,
"Ui sabihan mo nga yung boyfriend mo na huwag magsusuot ng blue ah. Baka pagkamalang Gasul." Nyahahaha.. Mga loko talaga mga tito ko Lord! Juskooo!..Hahaha.. Thank you at may mga tito akong ganun. Kahit andami nilang kalokohan, napapasaya nila ko.
They truly are a blessing. :)Amen.
hamtadoraemon . 6:08 PM
...................
(8) comments
Dear Lord,This day is such a blessed day! Thank you so much for this oh so lovely day.
Sumapul Lord eh. Astig sa timing. Napakagaling talaga.
Pakiramdam ko nabunutan ako ng bulok na ngipin. Yun bang parang nanalo sa lotto kahit na napulot lang sa kalye yung winning ticket. Huh? Teka Lord, am I making sense?.. haha.. Basta yun, alam mo na kung anong ibig kong sabihin. Saya talaga Lord.
Tapos ko na nga pala yung binabasa kong book, yung
The Notebook. Grabe Lord, ,alam kong matagal na yung book na yun. May palabas na nga eh. Haha.. Pero ngayon ko lang naisipang basahin. Sa totoo lang, hinugot ko lang yun sa book shelf sa library namin eh. Trip lang namin ni Yuka magbasa. Aba'y akalain mo, sa trip na yun, nainlab ako sa libro! Emegheeed Lord! Basahin Niyo yung libro! Ang ganda ganda. Mas mabuti nang basahin Niyo kesa panuorin. Medyo di na pambata yung mga eksena eh. Pero Ok lang naman Sainyo yun diba Lord? Lahat na ng klase ng buhay sa mundo na tunghayan Niyo na.
Para bang kung ihahantulad mo sa isang silid-aklatan ang mundo at bawat librong laman nito ay tungkol sa sari-saring kwento't kulay ng buhay ng iba't ibang klaseng tao; Ikaw na yung tinaguriang best reader nito.Jusko Lord, kung anu-ano na nasasabi ko. Pero, alam ko namang naiintindihan Niyo ko di ba? Kaya mahal na mahal ko kayo eh. Sige po hanggang sa muli. Salamat sa oras.
Amen
hamtadoraemon . 8:52 PM
...................
(9) comments
Dear Lord,
Bat ganun? It seems as if everybody in the world hates me.
O baka naman ako lang nagiisip nun just coz I'm hating my self right now.
Ai ewan. Anlabo po Lord.
Biyayaan Niyo po sana ko ng peace of mind.
Amen.
hamtadoraemon . 11:35 PM
...................
(0) comments
Dear Lord,
Thank you po sa sobrang sayang araw na 'to. Una, thank you po at nandiyan si Larmae. Kasi kung di dahil sa kaniya, di ako makakapunta sa skul ng di putikan. Grabe po Lord, ang saya ko ngayong araw na 'to. Pumunta kasi kami kanina sa bahay nila Yuka. Una kaming tatlo lang nina Kata at Yuka. Tas dumating na sina Thea, Pal, Ops at Rizza.
Ngayon ko lang po naramdaman kung pano maging housemate sa bahay ni kuya este yuka pala. hehe.. Para talaga kaming housemates kanina. Wala kaming ibang ginawa kundi kumain, magkwentuhan at magtawanan. Pero siyempre nagpractice din sila kasi may presentation sila sa A.P. eh. Bale, singit lang kami ni Kata dun. Haha..
Sana po Lord maulit 'to. Iba kasi yung saya eh.
Onga po pala Lord, UAAP season 69 na! Manuod po kayo ah.
ai last na po. Patnubayan niyo po yung isa kong kaibigan. Nagkainitan nanaman kasi kaming dalawa kanina lang. Please grant us peace. Haii..
Amen.
hamtadoraemon . 7:22 PM
(2) comments
Good morning Lord!
Panibago nanamang araw ito! Yez! Lord, patilain Niyo po sana yung ulan para makarating ako sa school ng tuyo. Please Lord. Sige na. Gabayan Niyo po ko mamaya papuntang school. Mag-isa lang kasi ako magcocommute eh. hehe.. Sana po makikarate kayo samin mamayang 10 sa school. Masaya yun. Promeeeeez. Sige po Lord. Kitakits!
Amen.
hamtadoraemon . 8:00 AM
...................
(4) comments
Dear Lord,
Salamat po at binigyan Niyo nanaman ako ng panibagong araw para mabuhay. Gusto ko po kayong pasalamatan dahil binigyan Niyo ko ng pagkakataong maging officer. Yey! Ang saya ng feeling kanina nung induction of class and club officers. Para bang it's really an honor to serve your classmates. Sana Lord gabayan Niyo ko. Kailangang kailangan ko kayo. Namomroblema nga ko eh, kasi may grade requirement ang pagiging officer. Natatakot ako kasi alanganin yung grades ko. Lord, pagtibayin Niyo po ang loob kong kayanin lahat ng ito!!!! Lord!!!!!!!!! Tulungan Niyo po kami ni GK. Pareho po kasi kaming namomroblema sa grades eh. Iligtas Niyo po ang treasurer at PRO ng Kamalayan. Jusko Lord. I beg of You.
Nako! Babawi ako sa exams! BABAWI AKO!!!!!!!! hahahaha..
Lord, bantayan Niyo po mga kabarkada ko ah. Di na po kasi kami masyadong nagsasama eh. Miss ko na po sila. Sobra. Hirap talaga pag artista ka. Hectic Sched mo. Daming pictorials, mall shows, projects and autograph signing. Haha, joke lang Lord. Libre naman mangarap di ba? Pero di naman yun pangarap ko eh. Pangarap kong maging Ob-Gynecologist. Ohaa... Anyway, yun nga. Bantayan Niyo po sila ng maigi ah. Bantayan Niyo rin po pamilya ko. Mahal na mahal ko po pamilya ko kahit na lagi nalang nila ko pinagdidiskitahan. Lam Niyo yun, simpleng pagkakamali ko lang parang ingungudngod pa sa mukha mo. Ok lang yun, mahal ko naman sila eh. Kahit ganunin nila ko buong buhay ko, di ko parin sila ipagpapalit. Lalo na si mama. Kaw na lang natitira sakin ma. Grabe, di ko maimagine sarili ko kung nawala sakin si mama. Para bang siya yung baging na sinasabitan ko para di ako mahulog sa banging malalim.
Sige Lord, salamat sa oras mo.
Pero teka, bago ko umalis, may joke ako sainyo!!!
Bakit ang mga lamok sa Baguio, mababa ang lipad?
Eh kasi..
Nakajacket sila!
Nyeh!?.. haha..
Sige po Lord. Sa susunod nalang po.
Mahal na mahal ko po kayo.
Amen.
hamtadoraemon . 10:18 PM
...................
(3) comments